Sometimes I feel
Like I don't have a partner
Sometimes I feel
Like my only friend
Is the city I live in
The city of angels
Lonely as I am
Together we cry
mag-isa ako ngayon. nagkaroon nga ako ng time and space. kahit tinatamad na ko kasi wala akong ginagawa, pinipilit kong maglibang. nagpakabasa. naligo ako sa ulan. ang ulan nga naman, iba talaga ang nagagawa. nakakapaglinis ng isip. mas ayos na kesa alkohol na naman ang ipanglinis ko sa utak ko. malamig. malamig talaga. hindi ko na talaga maalis sa sarili ko ang pagiging ginawin. ang gusto ko kasi palagi, yung mainit. yung nag-aalab.
hindi ko pa rin alam kung matatagalan ko itong kalagayan kong ito. pero hindi na ko masyado naguguluhan. alam ko kasing madali na lang ang lahat pagkatapos nito. magiging ganon nga ba?
ang gusto ko lang iparating sa lahat, hindi ko kayo nakakalimutan. lalo ka na. alam mo, nagkakaganito lang naman ako dahil sayo. dahil sayo kaya ako nagkakaganito....
kasi mahal kita. sobrang mahal kita. ayaw ko lang naman na magulo ang lahat. alam ko namang naguguluhan ka rin dahil sa akin. patawad. tao lang....
hindi mo pa ko gaanong kakilala. sa loob ng talong buwan. hindi pa sapat ang mga nalalaman mo tungkol sa akin. nung una, sinabi ko na gusto pa kitang makilala at gusto ko pang magpakilala sayo. pero sa tingin ko, kailangan talaga ng time para mangyari yun....
hindi man kita makilala ngayon, at ganun ka din sa akin, sa tingin ko naman.....
sapat na ang habang buhay para magawa natin yun.....
yun ay kung papayag ka.....
pwede ba?