Sometimes I feel
Like I don't have a partner
Sometimes I feel
Like my only friend
Is the city I live in
The city of angels
Lonely as I am
Together we cry
mag-isa ako ngayon. nagkaroon nga ako ng time and space. kahit tinatamad na ko kasi wala akong ginagawa, pinipilit kong maglibang. nagpakabasa. naligo ako sa ulan. ang ulan nga naman, iba talaga ang nagagawa. nakakapaglinis ng isip. mas ayos na kesa alkohol na naman ang ipanglinis ko sa utak ko. malamig. malamig talaga. hindi ko na talaga maalis sa sarili ko ang pagiging ginawin. ang gusto ko kasi palagi, yung mainit. yung nag-aalab.
hindi ko pa rin alam kung matatagalan ko itong kalagayan kong ito. pero hindi na ko masyado naguguluhan. alam ko kasing madali na lang ang lahat pagkatapos nito. magiging ganon nga ba?
ang gusto ko lang iparating sa lahat, hindi ko kayo nakakalimutan. lalo ka na. alam mo, nagkakaganito lang naman ako dahil sayo. dahil sayo kaya ako nagkakaganito....
kasi mahal kita. sobrang mahal kita. ayaw ko lang naman na magulo ang lahat. alam ko namang naguguluhan ka rin dahil sa akin. patawad. tao lang....
hindi mo pa ko gaanong kakilala. sa loob ng talong buwan. hindi pa sapat ang mga nalalaman mo tungkol sa akin. nung una, sinabi ko na gusto pa kitang makilala at gusto ko pang magpakilala sayo. pero sa tingin ko, kailangan talaga ng time para mangyari yun....
hindi man kita makilala ngayon, at ganun ka din sa akin, sa tingin ko naman.....
sapat na ang habang buhay para magawa natin yun.....
yun ay kung papayag ka.....
pwede ba?
first day. magandang buena mano para sa bagong buwan na ito. hindi ko na pahahabain pa ang bawat entry sa blog na ito. gusto ko sana na yung pinakamahahalagang nangyari na lang ang i-publish ko. nakakasawa na rin kasi yung in full details. bahala na kung maaalala ko pa lahat....
astronaut....
nag-originate yang term na yan kay xine. i told her that i need time and space. pero matagal na yun. playing safe. kinailangan ko yun kasi i was really confused that time. medyo napagod na rin. para lang makarecover dun kaya ko hiningi sa kaniya yun.....
so ngayon, sa tingin ko kailangan ko na naman. time and space. kahit ayaw ko, sa tingin ko, dapat lang. time means oras. oras para mapag-isa muna. having space means makagalaw ng maayos.....
astronaut....
na naman. kailangan ko na namang pumunta ng outer space. kaso baka hindi ako makahinga. alam ko namang mahirap. pero iba na ang makarating doon.....
astronaut....
hindi ko talaga alam kung anong kalalabasan ng plano ko. actually, hindi na plano yun. ginagawa ko na kasi. pinipilit gawin kahit mahirap.....
astronaut....
wala na sigurong makapipigil pa sa akin sa pagpunta sa outer space. pupunta ko sa venus. the planet of love....
astronaut....
i'll just spend my time for God. alam kong napakalaki na ng pagkukulan ko sa kaniya. being active again sa praise and worhip ang isa sa mga naiisip kong way. i just have to stay more sa church kesa sa school. magpakabusy sa mga practices. at para sa napakatagal nang binabalak na special number. gagawin namin yun. i promise God. i really do.
astronaut.